Financial documents ng Munisipyo ng Subic, ninakaw

By Kathleen Betina Aenlle February 23, 2016 - 04:30 AM

 

subic-mapNilooban ng mga magnanakaw ang ilang opisina sa munisipyo ng Subic, Zambales nitong weekend.

Kabilang sa mga pinasok ng mga magnanakaw ay ang opisina ni Subic Mayor Jay Khonghun, opisina ng Commission on Audit at ang accounting storage room.

Iniulat ng empleyado ng opisina ni Khonghun na si Melissa Amador ang nangyari sa himpilan ng pulisya.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tinangay ng mga magnanakaw ang mga disbursement vouchers, official receipts, annual audit reports ng mga barangay sa Subic, cash books, liquidation reports, ledgers at COA reports.

Mayroon ding isang desktop computer at printer na iniulat na nawawala mula sa COA office.

Magulo ang mga opisina at sira-sira ang mga pinto nang madatnan ito ng mga imbestigador.

Ayon sa mga pulis, posibleng naganap ang pagnanakaw sa pagitan ng alas-7 ng gabi ng Sabado at alas-9 ng umaga ng Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.