Ni-raid na bar sa Makati City, ipinasara ni Mayor Binay
Ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagpapasara ng Skye Bar sa Barangay Bel matapos ang pagkaka-aresto ng higit 100 kustomer na lumalabag sa basic safety protocols.
Ayon kay Atty. Michael Camiña, ang tagapagsalita ng Makati LGU, ilegal ang operasyon ng naturang establisimyento.
Aniya, sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Executive Order No. 11, sa Makati Revenue Code, RA 11332, at sa iba pang guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Kasabay nito, paalala ni Camiña, hindi pa maaaring magbukas ang mga bar sa lungsod alinsunod sa kautusan ng IATF.
Bukod dito, kinakailangan ding kumuha ng Notice of Re-Opening ang mga establisimyento mula sa Business Permits and Licensing Office ng lungsod sa loob ng tatlong araw matapos ang kanilang pagbubukas.
Diin pa ng opisyal, panay ang paalala at babala nila na hindi nila kukunsintihin ang mga maglalagay sa alanganin ng kalusugan ng iba bunga ng pagsuwan sa mga batas at safety protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.