Nasa 419 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:30, Martes ng gabi (June 30), sa nasabing bilang ay 98 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 80 cases.
380 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 105 ang suspected cases.
Samantala, 284 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 37 naman ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.