Karagdagang 10 Filipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 – DFA

By Angellic Jordan June 30, 2020 - 04:54 PM

Nasa 10 ang bagong napaulat na gumaling na Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 30, umakyat na sa 5,101 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Nasa 8,474 naman ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 60 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,824 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Samantala, dalawa naman ang pumanaw pa kung kaya 549 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,196 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 988 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 686 naman ang kaso sa Americas at 604 sa Asia Pacific Region.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.