COVID-19 cases sa Singapore, halos 44,000 na

Mahigit 200 muli ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 246 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (June 30).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are six cases in the community, of whom three are Singaporeans and three are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 43,907 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...