outbrain

Lahat ng visa interviews kanselado na hanggang July 31 ayon sa U.S. Embassy sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 12:51 PM

Kinansela na ng U.S. Embassy sa Pilipinas ang lahat ng immigrant at nonimmigrant visa interviews na naka-schedule hanggang sa July 31.

Ito ay bunsod pa rin ng nararanasang problema ng mundo sa COVID-19.

Nakasaad sa abiso ng U.S Embassy na sinuspinde ng U.S. Department of State ang routine visa services sa lahat ng U.S. Embassies at Consulates sa buong mundo.

Maari pa rin namang mapayagan ang emergency visa services.

Maaring tumawag sa call center ng U.S. Embassy sa (632) 77792-8988 at (632) 8548-8223.

Pwede ring gawin ang pagpapa-reschedule sa online appointment system, bisitahin lamang ang ustraveldocs.com/ph

Walang sisingiling fee sa pagpapabago ng appointment habang ang visa application fees naman ay valid sa loob ng isang taon.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, immigrant, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, nonimmigrant, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa interview, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, immigrant, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, nonimmigrant, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Embassy, visa interview

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.