Umabot sa 500 metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkang Bulusan sa Sorsogon, alas-5 ng hapon ng Lunes ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS, nagkaroon ng dalawang magkasunod na mahinag pag-putok sa Bulusan.
Tumagal ng 4 minuto at 21 segundo ang explosion type na lindol na naganap kasabay nito.
Nakapg-tala ng ashfall sa mga bayan ng Juban at Irosin.
Dahil dito itinaas na ang Alert Level 1 sa Mt. Bulusan at pinaalalahanan na rin ang mga residente na huwag pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib ng biglang pagbubuga nito ng abo at usok.
Pinag-iingat rin ang mga residente sa lahar na maaring dumaloy mula sa bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES