outbrain

LOOK: Kim Chiu namahagi ng 1,500 na food packs at nag-donate ng P300K para sa mass testing

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 11:38 AM

Ibinahagi ni Kim Chiu ang tagumpany ng kaniyang “Bawal Lumabas” single sa mga pamilyang apektado ng lockdown dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sa kaniyang Instagram, sinabi ng aktres na umabot na sa 1,500 family food packs ang kanilang naipamahagi.

Nakapag-donate na din si Kim Chiu ng P300,000 para sa “Shop and Share” project nina Angel Locsin, Diples Romana at Anne Curtis.

Ang naturang halaga ay mula sa kinita ng ng ‘Bawal Lumabas’ merchandise ni Kim.

Layunin ng “Shop and Share” project na makalikom ng pondo para sa mass testing.

Pinasalamatan din ni Kim Chiu ang mga tumulong para sa pamamahagi niya ng food at relief packs.

 

 

TAGS: Bawal Lumabas, covid pandemic, COVID-19, department of health, family food packs, general community quarantine, Health, Inquirer News, Kim Chiu, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, relief packs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bawal Lumabas, covid pandemic, COVID-19, department of health, family food packs, general community quarantine, Health, Inquirer News, Kim Chiu, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, relief packs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.