Ito ay Kasunod nang paglagda ni Pang. Duterte sa Republic Act No. 11476, o ang GMRC and Values Education Act.
Ayon kay Rodriguez, malabong maipatupad ang batas ngayong darating na pasukan dahil kailangan pang bumuo ng DepEd ng implementing rules and regulations.
Pero dapat anyang maisama ang GMRC sa curriculum para sa Grades 1 to 6 at ang Values Education sa Grades 7 to 12 sa lalong madaling panahon.
Para sa mambabatas, napapanahon ang bagong batas na ito dahil maraming kabataan ang binabalewala na ang magandang asal at kaugaliang Pilipino epekto ng internet ay modernong teknolohiya.
Binigyang diin nito na ang de-kalidad na edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa math, science at iba pang pangunahing subjects kundi kasama rin ang moral, physical, at mental well-being ng mga estudyante.