Paghahanda para sa pagtuturo ng GMRC dapat nang simulan ng DepEd

By Erwin Aguilon June 30, 2020 - 11:25 AM

Hinikayat ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Education (DepEd) na simulan na ang paghahanda para sa reintroduction ng subject na good manners and right conduct (GMRC) sa mga paaralan.

Ito ay Kasunod nang paglagda ni Pang. Duterte sa Republic Act No. 11476, o ang GMRC and Values Education Act.

Ayon kay Rodriguez, malabong maipatupad ang batas ngayong darating na pasukan dahil kailangan pang bumuo ng DepEd ng implementing rules and regulations.

Pero dapat anyang maisama ang GMRC sa curriculum para sa Grades 1 to 6 at ang Values Education sa Grades 7 to 12 sa lalong madaling panahon.

Para sa mambabatas, napapanahon ang bagong batas na ito dahil maraming kabataan ang binabalewala na ang magandang asal at kaugaliang Pilipino epekto ng internet ay modernong teknolohiya.

Binigyang diin nito na ang de-kalidad na edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa math, science at iba pang pangunahing subjects kundi kasama rin ang moral, physical, at mental well-being ng mga estudyante.

 

 

TAGS: deped, GMRC, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website, deped, GMRC, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rufus rodriguez, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.