ECQ posibleng manatili sa Cebu City
Malaki ang posibilidad na manatili ang pag-iral ng enhanced community quarantine sa Cebu City.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Maliban sa tumataas na bilang ng tinatamaan ng sakit, sinabi ni Cimatu na tumataas din ang bilang ng nasasawi.
Sa magdamag, nakapagtala ng 13 na panibagong nasawi sa COVID-19 sa Cebu City na ayon kay Cimatu, mas mataas pa sa average number ng daily recorded fatalities sa bansa na 10 hanggang 12.
Inirekomenda na ni Cimatu sa national government na mas maisaayos pa ang health facilities sa Cebu City, kabilang ang pagdaragdag ng hospital rooms at pag-convert sa malalaking pasilidad bilang quarantine sites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.