Voter registration suspendido hanggang Aug. 31

Suspendido na hanggang August 31, 2020 ang voter registration.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ang suspensyon ay sa lahat ng tanggapan ng poll body sa buong bansa.

Unang itinakda ang suspensyon hanggang ngayong June 30 lamang dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, magpapatuloy naman ang trabaho ng kanilang field personnel para matiyak na COVID-19 ready ang mga pasilidad ng poll body.

 

 

Read more...