Halaga ng naipamahaging family food packs ng DSWD dahil sa COVID-19 pandemic umabot na sa mahigit P14.99B
Umabot na sa mahigit P14.99 billion ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang labis na apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.
Sa update mula sa DSWD, hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 30, umabot naman sa 1,306,493 ang mga naipamahaging relief packs.
Ito ay sa iba’t ibang field office ng DSWD sa buong bansa.
Pinakamaraming family food packs na naipamahagi ay sa Metro Manila na umabot ng mahigit 248,658.
Mayroon pang P906.62 million na standby funds ang DSWD at mayroon pa itong P927.09 million na halaga ng stockpiles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.