outbrain

Mag-ama patay sa sunog sa Pasig

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 08:34 AM

Patay ang mag-ama habang may tatlo pa ang sugatan sa sunog na naganap sa Pasig City Martes (June 30) ng madaling araw.

Ang sunog ay naganap sa Villa Tupaz, Brgy. San Joaquin sa Pasig City.

Ayon sa Pasig City Public Information Office nagsimula ang sunog 1:08 ng madaling araw.

Umabot lang ito ng 1st alarm at agad naapula ala 1:50 ng madaling araw.

Ayon kay Fire Supt. Douglas Guiyab matapos tuluyang maapula, natagpuan ang wala nang buhay na si Rodolfo Eguillos, 40 anyos at kaniyang 10 taong gulang na anak na lalaki.

Aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

 

 

TAGS: fire, Inquirer News, News in the Philippines, Pasig City, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire, Inquirer News, News in the Philippines, Pasig City, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.