COVID-19 cases sa Cebu City mahigit 5,000 na

Umabot na sa mahigit 5,000 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 191 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 5,141 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 2,713 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 114 na bagong recoveries.

Labingtatlo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Mayroon nang 169 na nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19.

 

Read more...