outbrain

Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 851 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 06:24 AM

Nadagdagan pa ng 41 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hanggang Lunes ng gabi (June 29), kabuuang 851 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bambang, Hagonoy, Ibayo Tipas, Ligid Tipas, Lower Bicutan, Napindan, New Lower Bicutan, North Daang Hari, Palingon, South Daang Hari, South Signal, Sta Ana at Tuktukan.

Pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa bahagi ng Barangay – Lower Bicutan na may 107 cases.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 23
– Bambang – 15
– Calzada – 30
– Hagonoy – 12
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– New Lower Bicutan – 42
– Napindan – 5
– Palingon – 3
– San Miguel – 16
– Sta. Ana – 21
– Tuktukan – 18
– Ususan – 50
– Wawa – 12
– Central Bicutan – 18
– Central Signal – 18
– Fort Bonifacio – 101
– Katuparan – 6
– Maharlika Village – 16
– North Daang Hari – 44
– North Signal – 16
– Pinagsama – 53
– South Daang Hari – 32
– South Signal – 29
– Tanyag – 9
– Upper Bicutan – 43
– Western Bicutan – 60

Samantala, 3,753 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.

Nasa 145 na mga pasyente na ang gumaling sa sakit habang 22 na ang pumanaw.

 

 

TAGS: Taguig City, taguig covid cases, Taguig City, taguig covid cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.