Oil price hike epektibo na ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 06:03 AM

Muling nagpatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

May dagdag na 70 centavos sa kada litro ng gasolina, 40 centavos sa kada litro ng kerosene at 30 centavos sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo n mga kumpanyang Shell, Petron, SeaOil, Flying V, Total, Phoenix, PTT, at Petro Gazz ngayong araw ng Martes, alas 6:00 ng umaga.

Alas 12:01 naman ng madaling araw naging epektibo ang dadgag presyo ng Chevron.

Habang 4:01 ng hapon mamaya epektibo ang dagdag presyo ng kumpanyang Cleanfuel.

Simula noong May 5 ay sunud-sunod na linggo nang may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Umabot na sa mahigit P9.00 ang nadagdag sa bawat litro ng gasolina, mahigit P5 sa presyo ng bawat litro ng diesel at P8 sa presyo ng kerosene.

 

 

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, oil price hike, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.