Halos 700 pang OFWs dumating sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 05:57 AM

Nakapagpauwi pa ng halos 700 Overseas Filipino Workers (OFWs) Lunes (June 29) ng gabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dumating sa bansa ang 183 na mga Pinoy kabilang ang tatlong sanggol galing sa Phuket, Thailand.

Kasabay ding iniuwi ang cremated remains ng dalawang nasawing OFW.

Karamihan sa mga umuwing Pinoy galing Thailand ay pawang nagtatrabaho sa hotels, resorts at restaurants.

Simula noong April 2020 umabot na sa 734 ang bilang ng mga Pinoy mula sa Thailand ang nakauwi sa bansa.

Samantala, kahapon ay dumating din sa NAIA ang 498 na OFWs mula sa Macau SAR at Kuwait lulan ng dalawang magkahiwalay na flight.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.