10 hanggang 17 bagyo papasok sa bansa sa nalalabing anim na buwan
Simula Hulyo hanggang Disyembre mayroon pang 10 hanggang 17 bagyo na mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, para sa buwan ng Hulyo maaring magkaroon ng 2 hanggang 4 na bagyo.
Mula naman Agosto hanggang Oktubre, maaring magkaroon ng 2 hanggang 3 bagyo kada buwan.
At 1 hanggang 2 bagyo para sa bawat buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Ang susunod na bagyo na papasok sa bansa ay papangalanang “Carina”.
Sinabi ni Rojas na bago matapos ang taon mayroong 50 percent na tsansa na makaranas ng La Niña sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.