outbrain

Western section ng Luzon apektado ng Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo June 30, 2020 - 05:21 AM

Magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang lalawigan sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin na may mga pag-ulan ang mararanasan ngayong araw sa Pangasinan, Zambales at Bataan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na may isolated na pag-ulan.

Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybayin ng bansa.

Sa susunod na 2 hanggang 3 araw, wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility.

 

TAGS: pagasa, weather, pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.