Ayon sa Navotas City government, ipamimigay ito sa Kindergarten students.
Kabilang sa mga laman nito ay textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies na magagamit ng mga estudyante sa pasukan.
Mayroon din itong hygiene kits at laruan mula sa Philippine Toy Library at pribadong sektor.
Sinabi ng Navotas LGU na magsasagawa ang mga guro ng Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, at Navotas National High School ng simulation ng distance learning classes sa pamamagitan ng online messaging app o text message simula June 30 hanggang July 3.
Gagabayan naman ng mga magulang ang kanilang mga anak para magawa ang mga takdang aralin.
Kailangan ding magpasa ng mga actual output ng mga estudyante at assessment ng module tuwing linggo.
Tututukan pa rin ng mga guro ang mga magulang sakaling magkaroon ng problema.
Umabot sa P11 milyon mula sa Special Education Fund ang inilaan ng Navotas LGU para makabili ng 49,000 NavoSchool-in-a-box.