outbrain

Top 1 most wanted person sa Las Piñas, timbog

By Angellic Jordan June 29, 2020 - 09:59 PM

Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng Las Piñas City Police Station, Linggo ng gabi (June 28).

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ng ang suspek na si Ian Dichoson, 37-anyos, sa bisa ng arrest warrant at manhunt operation.

Ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Lopez Compound sa Barangay Daniel Fajardo bandang 9:00 ng gabi.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder.

Inilabas ni Hon. Rainelda Estacio-Montesa ng Branch 255 Regional Trial Court Las Piñas City ang arrest warrant laban kay Gratil noong March 11.

Sa ngayon, nananatili ang suspek sa kustodiya ng Las Piñas City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang commitment order.

TAGS: Arrest Warrant, Ian Dichoson, Inquirer News, manhunt operation, NCRPO, Radyo Inquirer news, Arrest Warrant, Ian Dichoson, Inquirer News, manhunt operation, NCRPO, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.