33 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang 33 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 29, umakyat na sa 307 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 126 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Kabilang dito ang 61-anyos na lalaking residente ng Arevalo, Iloilo City.
Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.