Nasa 418 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:20, Lunes ng gabi (June 29), sa nasabing bilang ay 102 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 80 cases.
397 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 82 ang suspected cases.
Samantala, 279 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 37 naman ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.