Patuloy na pag-ere ng ABS-CBN sa digital television, ipapahinto ng NTC

By Erwin Aguilon June 29, 2020 - 08:01 PM

Tiniyak ng National Telecommunications Commission na maglalabas sila ng kautusan upang ipinahinto ang pagpapalabas ng mga programa ng media giant na ABS-CBN sa Channel 43.

Sa pagdinig ng Kamara, tinanong si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kung bakit hindi nito ipinatitigil ang mga programa ng ABS-CBN sa kabilang na sa Channel 43 ng Amcara Broadcasting Network na sister company nito.

Sabi ni Cordoba, kinakitaan nila ng paglabag sa cease and desist order ang ABS-CBN dahil sa patuloy nitong ang pag-ere sa digital television.

Paliwanag nito, malinaw na nakasaad sa cease and desist order na kanilang inilabas na hindi maaring umere ang media giant kahit sa digital TV gamit ang frequency ng sister company nito na AMCARA Broadcasting Network sa pamamagitan ng Channel 43.

Maging sa provisional authority to operate na ibinigay aniya ng NTC sa AMCARA noong nakaraang taon ay nakasaad din na sa oras na mapaso na ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi na nito maaring gamitin ang kanilang frequency para sa digital television.

Sumulat aniya sila sa Office of the Solicitor General para humingi ng guidance matapos mapag-alaman umeere pa rin ang ABS-CBN sa Channel 43.

Natagalan lamang aniya ang kanilang pagtugon sa isyung ito dahil Lunes ng umaga lamang, June 29, din aniya nila natanggap ang rekomendasyon ng OSG.

Ayon sa OSG, kailangan na maglabas ng NTC ng alias cease and desist order para ipahinto ang pag-ere ng ABS-CBN ng kanilang mga programa gamit ang Channel 43.

Pero ayon kay ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, umeere sila gamit ang frequency ng AMCARA dahil bloc timer sila dito, na pinapahintulutan naman aniya sa broadcasting industry.

TAGS: ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN President Carlo Katigbak, AMCARA Broadcasting Network, cease and desist order against ABS-CBN, Inquirer News, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Radyo Inquirer news, ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN President Carlo Katigbak, AMCARA Broadcasting Network, cease and desist order against ABS-CBN, Inquirer News, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.