NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagre-resign na sa puwesto

By Erwin Aguilon June 29, 2020 - 03:50 PM

Sinita ng mga kongresista ang National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit hinahayaang umere pa rin sa digital channel ang mga programa ng ABS-CBN.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader Boying Remulla, dapat makasuhan sa Office of the Ombudsman si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba dahil sa pagsuway sa kapangyarihan ng Kongreso na mag-isyu ng prangkisa.

Iginiit ni Remulla na hindi dapat kinukunsinte ng NTC ang network na patuloy na mag-operate nang walang prangkisa at kumita rito sa pamamagitan ng TV Plus.

Pinagbibitiw naman ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta si Cordoba dahil hindi aniya ginagawa ang kanyang trabaho.

Pinuna ni Marcoleta na inabot ng 19 na araw bago naisipan ng NTC na mag-isyu ng alias cease and desist order dahil sa paglabag ng ABS-CBN sa naunang CDO.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ng NTC Commissioner na humingi pa sila ng guidance sa Office of the Solicitor General nang malamang patuloy na umeere ang mga palabas ng ABS-CBN sa TV Plus.

Gusto lang aniya nilang maging maingat sa mga gagawing hakbang dahil sa nakabinbing kaso sa Korte Suprema hinggil sa usapin ng prangkisa ng network.

TAGS: ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN TV Plus, Inquirer News, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Radyo Inquirer news, Rep. Boying Remulla, ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ABS-CBN TV Plus, Inquirer News, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Radyo Inquirer news, Rep. Boying Remulla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.