34 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

By Angellic Jordan June 29, 2020 - 04:47 PM

Nasa 34 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 29, umakyat na sa 8,467 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 59 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,829 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

10 pa ang gunaling kung kaya 5,091 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, siyam pang Pinoy ang nasawi bunsod ng pandemya.

Dahil dito, nasa 547 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,195 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 988 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 686 naman ang kaso sa Americas at 598 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 update, DFA COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.