Drug den sa Dumaguete City, sinalakay ng PDEA; 5 timbog
Sinalakay ng mga tauhan ng PDEA Negros Oriental Provincial Office ang isang drug den sa Dumaguete City, Negros Oriental Linggo ng hapon.
Ayon sa PDEA Regional Office 7, isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Zone 1, Barangay Looc bandang 3:00 ng hapon.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa target na drug den maintainer na si Richard Torres, 39-anyos.
Nahuli rin sina Shinette Sarabia, 43-anyos; Katrina Tish Davao, 47-anyos; Gwendell Ozoa, 43-anyos; at Gabriel Aranas, 54-anyos.
Nakumpiska sa mga suspek ang 11 packs ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P81,600, ginamit na buy-bust money, at ilang drug paraphernalia.
Kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.