Davao at Calabarzon PNP Regional Directors, papalitan

By Ruel Perez February 22, 2016 - 09:48 PM

 

Inquirer file photo

Kinumprima ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang napipintong balasahan ng mga opisyal ng PNP sa ibat ibang rehiyon.

Ayon kay Marquez, asahan na ang balasahans a pwesto dahil may mga magre-retiro sa loob ng taong ito.

Una aniya sa listahan ay ang police regional director sa Region 4-A at 11.

Paliwanag ni Marquez na mas paaagahin nilang mag- retiro ang dalawang RD para makapag adjust sa kanilang mga lugar ang mga opisyal na ipapalit dito lalo pa at panahon ngayon ng eleksyon.

Si P/CSupt. Richard Albano ang kasalukuyang RD ng 4-A habang si P/CSupt Wendy Rosario naman sa Region 11.

Wala pa namang masabi si Marquez kung sino ang ipapalit sa pwesto nina Albano at Rosario.

Hindi naman aniya apektado ng COMELEC ban ang gagawin nilang balasahan dahil sadyang mababakante ang mga pwestong ito bunsod ng retirement ng mga opisyal kaya dapat lamang punan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.