Pagpapauwi ng LSIs sa mga probinsya, suspendido muna – Palasyo
Nagpatupad ng moratorium ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpapauwi sa locally stranded individuals (LSIs) dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, tigil muna ang biyahe ng mga LSI na patungo sa Region VI, VIII, buong isla ng Cebu kasama na ang Mactan, at CARAGA region.
Paliwanag ni Roque, itinigil ang pagpapauwi sa mga LSI dahil kinakapos na ng quarantine facility ang mga local government unit sa mga probinsya.
Itinigil naman ang pag-uwi ng mga LSI sa Cebu at Mactan dahil nasa ilalim sila ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)
Ayon may Roque, sasailalim muna sa PCR test ang mga LSI bago pa man umuwi sa mga probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.