Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:39 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac.

Uulanin din ang Zambales partikular sa Palauig, Masinloc, Iba at Cabangan.

Maaapektuhan din ng pag-ulan ang Laguna partikular sa Nagcarlan, Calauan, Rizal, San Pablo, Liliw at Majayjay; Quezon sa Lucban at Sampaloc.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...