Pagbiyahe ng jeep sa ilang lugar, pinapayagan na

By Chona Yu June 29, 2020 - 03:28 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Pinapayagan nang makabiyahe ang jeep sa ilang lugar sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, balik na sa kalsada ang mga tradisyunal na jeep sa CARAGA region, South Cotabato, Cagayan de Oro, Siquijor, Region I, VI, VIII, X, XI, XII.

Matatandaan na una na ring pinayagang makabalik pasada ang mga tradisyunal na jeep sa Bulacan at Pampanga.

Para naman sa Metro Manila, ayon kay Secretary Roque, nasa LTFRB na ang pasya kung kailan papayagan makabalik sa pamamasada ang mga tradisyunal na jeep.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni LTFRB Chair Martin Delgra na sa Martes o Miyerkules, maglalabas sila ng memorandum para sa pagsasa-pinal ng guidelines para sa mga ituturing na ‘roadworthy’ jeepneys na papayagang makabalik sa mga kalsada.

TAGS: areas under ECQ, areas under GCQ, COVID-19, COVID-19 Inquirer, Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, areas under ECQ, areas under GCQ, COVID-19, COVID-19 Inquirer, Inquirer News, ltfrb, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.