Pangulong Duterte, magbibigay ng bagong quarantine classification sa June 30

Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification sa araw ng Martes, June 30.

Kinumpirma ito ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ngayon, nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City.

Umiiral din ang general community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Read more...