Palasyo, ipinauubaya na sa Kongreso ang pagbabago ng pangalan ng NAIA
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso ang pagbabago ng pangalan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pahayag ito ng Palasyo sa panukala ni Presidential son at Davao congressman Paolo Duterte, Marinduque Cong. Lord Allan Velasco at ACT-CIS Party Lost Rep. Eric Yap na baguhin ang pangalan ng NAIA sa “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.”
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kailangan ng batas para baguhin ang pangalan ng NAIA.
Bahala na aniya ang Kongreso na magpasya sa naturang usapin.
Una nang umani ng batikos ang panukala nina Duterte dahil hindi napapanahon ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA lalot may kinakaharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.