outbrain

Aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program ng DepEd simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2020 - 11:56 AM

Simula na ngayong araw ang pagsusumite ng aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program ng Department of Education (DepEd).

Alas 12:00 ng tanghali ay tumanggap na ng aplikasyon sa pamamagitan ngĀ http://ovap.peac.org.ph .

Kailangang ihanda ang sumusunod na requirements:

– Recent 2×2 colored ID photo
– Proof of financial means ng mga magulang o guardian
– Signed Parent Consent Form para sa mga VA na 18 taong gulang pababa (bit.ly/SHSVP2020annex1)
– Certificate of Financial Assistance mula sa JHS, kung applicable (bit.ly/SHSVP2020annex2)

Ang deadline ng application ay sa July 24, 2020, ngunit maaaring i-submit ang mga dokumento hanggang October 30, 2020.

Paalala lang na ang mga sumusunod na Grade 10 completers ng SY 2019-2020 ay automatically qualified para sa SHS VP at hindi na kailangang mag-apply:
– Mula sa DepEd public schools
– Mula sa SUCs at LUCs
– ESC grantee mula sa private schools

 

 

TAGS: deped, Senior High School., Voucher Program, deped, Senior High School., Voucher Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.