Traditional jeep unti-unti ring makababalik sa operasyon – DOTr
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na unti-unti ring papayagang makabalik sa operasyon ang mga tradisyunal na jeep.
Ang kailangan lamang ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran ay pasado sa roadworthiness ang jeep bago makabiyahe.
Sinabi ni Libiran na posibleng simula sa Huwebes o Biyernes ay mapapayagan na ang unti-unting pagbabalik sa biyahe ng mga roadworthy na traditional jeepneys.
Inuna lamang aniyang pabalikin sa biyahe ang public utility vehicles na may mas mataas na capacity.
Simula nang ipatupad ang community quarantine ay hindi na pinayagang makabiyahe ang mga pampasaherong jeep.
Kamakailan naman ay pinayagan na ng DOTr ang pagbabalik-biyahe ng mga modernized PUJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.