Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng halaga ng ipatutupad na price hike

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

May dagdag na 70 centavos sa kada litro ng gasolina, 40 centavos sa kada litro ng kerosene at 30 centavos sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Shell, SeaOil at Petro Gazz bukas araw ng Martes, June 29 alas 6:00 ng umaga.

Alas 4:01 ng hapon naman bukas epektibo ang dagdag presyo ng kumpanyang Cleanfuel.

Simula noong May 5 ay sunud-sunod na linggo nang may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Umabot na sa mahigit P9.00 ang nadagdag sa bawat litro ng gasolina, mahigit P5 sa presyo ng bawat litro ng diesel at P8 sa presyo ng kerosene.

 

 

Read more...