Crackdown ng Iloilo City LGU sa mga gumagamit ng ‘jumper’ sa lungsod, solusyon sa problema sa suplay ng kuryente ayon sa isang mambabatas

Ikinabahala ng mga otoridad ang pagdami ng illegal connections at talamak na pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City.

Ayon kay Iloilo Rep. Julienne Baronda ito ay dahil na rin sa kabiguan na habulin at panagutin ang mga nasa likod ng “organized business”.

Sinabi ito ni Baronda kasunod ng crackdown na inilunsad ni Iloilo City Mayor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng kuryente matapos na rin makumpirma na nasa 30,000 ang illegal connections sa lalawigan sa ilalim ng Panay Electric Company (PECO).

Ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng mga electric jumpers ang sanhi ng pagtaas ng systems loss na umabot na sa 9.3 percent, ang halaga ng nakaw na kuryente na ito ay ipinapasa din sa lehitimong consumers kaya tumataas ang kanilang binabayarang singil sa kuryente.

Surpotado naman ni Baronda ang hakbang ni Treñas upang mahinto na ang krimen na nagreresulta sa problema sa suplay ng kuryente sa lungsod.

Pinapurihan ni Baronda ang More Electric and Power Corp. (More Power) sa inisyatibo nito na pagaangin ang requirements sa pag-aapply ng electric meter – sa ganitong paraan aniya ay mas marami ang mahihikayat na magpakabit na ng kanilang sariling kuntador ng kuryente.

“I urge the Ilonggos to stop this electricity pilferage. I understand the new power distributor has made it easier for consumers to apply for their own meters, so this should dissuade them from resorting to illegal connections just to have power. Let us protect our interest. Let us not allow ourselves to pay for the electricity consumed by those who steal power through the systems loss. Let us report those who steal electricity instead of condoning the pilferers”dagdag pa ni Baronda.

Sinabi ni MORE Power president Roel Castro na sa naging kasunduan nila sa City Government, sa hangarin na rin na masolusyunan ang illegal connections, ay mas pinadali nila ang requirements sa pagpapakabit ng kuntador ng kuryente, ilan umano sa dapat lang na isumite ay ang Certificate of Residency , Government ID , Oath of Undertaking of Connection and Meter at Electrical Safety Inspection Reports.

Ibinaba din ng More Power sa P9 ang singil kada kilowatt/hour sa mga informal settlers para mahikayat ito na magkaroon na sila ng sariling kuntador sa halip na magbayad sa mga illegal connections na naniningil sa kanila ng P20 kada kilowatt hour.

Inamin ni Castro na kinunsinti ng PECO ang pagdami ng mga gumagamit ng jumper na syang dahilan kung bakit pinakamataas ang singil sa kuryente sa Iloilo City.

“Ilonggos had to pay for the electricity pilfered from such illegal connection for decades. Ilegal connections do not just burden legitimate consumers who pay for stolen electricity but it also takes toll on the system which results in overloading”paliwanag ni Castro.

Tukoy na umano ng More Power ang mga nasa likod ng organized business na pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City at sa tulong ng lokal na pamahalaan sa inilusad nitong crackdown ay target nila ngayong 2020 na mapababa sa kalahati ang bilang ng mga gumagamit ng jumper.

Read more...