Pang. Duterte at Supreme Court dapat nang manghimasok na sa problema sa kuryente ng Iloilo City

By Erwin Aguilon June 29, 2020 - 10:38 AM

Hindi na umano katanggap-tanggap ang palagiang brownouts sa Iloilo City na minsan ay tumatagal ng hanggang 13 oras at minsan naman ay umaabot ng 21 beses na patay-sindi sa loob ng isang araw.

Ayon kay PHILRECA Partylist Rep. Presley De Jesus, kailangan nang kumilos ng House Energy Committee at ng Energy Regulatory Commission para maayos ang problema sa supply ng kuryente sa lungsod.

Naniniwala naman si AKO BISAYA Partylist Rep. Sonny Lagon na hindi maiiwasan ang brownouts sa Iloilo City kung aasa lang sa MORE Power na kulang pa ng pasilidad.

Nanawagan naman si Abang Lingkod partylist Rep. Joseph Stephen Paduano, kay Pang. Duterte at sa Korte Suprema na manghimasok na sa isyu para mawala ang sistema ng pang-aabuso.

Giit nito, sa panahon ng pandemya na una ang kapakanan ng publiko, kailangan ng mabilis na aksyon mula sa mga lider ng bansa lalo na sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao.

Una nang binanatan ng mga konsehal sa Iloilo City ang MORE Power dahil sa pagsira sa mga pangakong bibigyan ng maayos na serbisyo ng kuryente ang kanilang lungsod.

 

 

TAGS: iloilo city, Inquirer News, News in the Philippines, power interruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, iloilo city, Inquirer News, News in the Philippines, power interruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.