LOOK: Aktor, TV host na si KC Montero, mahigit 100 iba pa na nahuling nagtitipon sa isang bar sa Makati kinasuhan na

Ipinagharap na ng reklamo ang ang mahigit 100 katao na nahuli sa isang bar sa Barangay Salcedo Village sa Makati City, Linggo (June 28) ng hapon.

Kabilang sa nahuli ang TV host na si KC Montero o Casey Miller sa totoong buhay.

Si Miller at mahigit 100 na iba ay dinakip sa isang bar sa Makati dahil sa hindi pagsunod sa social distancing.

Paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampa ng Makati City Police laban sa kanila.

 

 

 

Read more...