Cebu City magiging bagong COVID-19 epicenter ayon sa DILG

Hindi malayong ang Cebu City ang magiging susunod na epicenter ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ito ay dahil sa araw-araw na bagong kaso na naitatala sa lungsod.

Mataas aniya ang infection rate ng COVID-19 sa Cebu City.

Magugunitang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 sa Cebu City.

Ang Cebu City ay mayroon nang halos 5,000 kaso ng COVID-19 kung saan 156 ang nasawi.

 

 

Read more...