Dalawang chopper ng Coast Guard tutulong sa paghahanap sa mga nawawalang mangingisda sa Occidental Mindoro
Dumating na sa Mamburao, Occidental Mindoro ang BRP Boracay para tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang 12 na mangingisdang Pinoy.
Ayon sa Philippine Coast Guard lulan ng fishing boat na Liberty Cinco ang 14 ang sakay ng bangka nang mabangga sa Hong Kong-flagged cargo vessel na MV Vienna Wood.
Kabilang dito ang 12 mangingisdang Pinoy kasama na ang boat captain, at 2 pasahero pa.
Tutulong na din sa paghahanap ang dalawang chopper ng Coast Guard na BN Islander at Airbus H145.
Magsasagawa ng search and rescue operations ang dalawang chopper sa karagatan na sakop ng Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro ngayong umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.