COVID-19 cases sa Cebu City halos 5,000 na

Umabot na sa halos 5,000 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 131 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 4,962 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 2,596 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 157 na bagong recoveries.

Anim naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Mayroon nang 156 na nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19.

 

 

Read more...