Antas ng tubig ng Angat dam nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.04 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (June 29) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 187.87 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.08 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 101.03 habang bahagya ding nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.92 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.83 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.