Mini Loop Routes ng city buses bibiyahe na ngayong araw
Magkakaroon na Mini Loop Routes ang mga city buses upang makatulong sa pagbiyahe ng mga commuter simula ngayong araw, June 29.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) narito ang mini loop routes na magiging operational ngayong araw:
1. Monumento – MRT Quezon Ave. Station
2. PITX – Ayala
Ang rutang Timog – Santolan naman ay magsisimula sa Miyerkules, July 1, 2020.
Sinabi ng DOTr na araw-araw ang isinasagawang assessment ng pamahalaan para malaman ang pangangailangan ng mga commuter.
Alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at DOTr, unti-unting ibabalik ang operasyon ng pampublikong transportasyon. Kasabay ng pagsisimula ng General Community Quarantine (GCQ), nagsimula ang operasyon ng mga Point-to-Point (P2P) Buses, taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), at PUBs na may nakatakdang mga ruta.
Ipinapaalala ng LTFRB sa mga operators at draybers ng mga PUBs na sundin ang mga protocols na nakalagay sa MC 2020-018 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask at gloves, paglilinis at pag-disinfect ng kaniya-kaniyang unit bago at pagtapos ng kada byahe o kada dalawang oras, paglalagay ng harang gawa sa non-permeable at transparent na materyales, at pagsunod sa passenger seating capacity na batay sa guidelines ng IATF-EID at ng DOTr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.