Dahil sa Habagat malaking bahagi ng bansa ngayong araw ang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan.
Sa weather forecast ng PAGASA, sa buong Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Northern Mindanao, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zambales at Bataan maulap na papawirin ang mararanasan na may kalat-kalat na pag-ulan.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Sa susunod na mga araw inaasahang makaaapekto sa bansa ang Habagat.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na 2 hanggang 3 araw.