Malaking bahagi ng bansa uulanin dahil sa Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2020 - 05:52 AM

Apektado ng Habagat ang Southern Luzon at ang buong Visayas.

Dahil sa Habagat malaking bahagi ng bansa ngayong araw ang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan.

Sa weather forecast ng PAGASA, sa buong Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Northern Mindanao, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zambales at Bataan maulap na papawirin ang mararanasan na may kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Sa susunod na mga araw inaasahang makaaapekto sa bansa ang Habagat.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na 2 hanggang 3 araw.

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, habagat, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.