Mahigit 100 dinakip sa isang bar sa Makati City dahil sa paglabag sa social distancing

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2020 - 05:48 AM

Aabot sa 114 na katao ang dinakip sa isang bar sa Makati City dahil sa paglabag sa social distancing.

Ayon sa Makati City police, ang mahigit 100 indibidwal kabilang ang ilang mga dayuhan ay nadatnan sa 18th floor ng isang high-rise building sa Bgy. Bel-Air, Makati City.

Dinakip sila dahil sa paglabag sa pagbabawal sa mass gathering ngayong umiiral pa ang general community quarantine sa Metro Manila.

Kabilang sa naaresto ang host na si KC Montero.

Ayon kay Montero nagtungo sya sa nasabing bar para sa dinner nilang mag-asawa.

Isinakay sa police trucks ang mga nadakip at nagpalipas ng gabi sa covered court sa Brgy. Guadalupe Nuevo.

 

 

TAGS: 114 arrested, Bar, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Makati, Makati Police, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 114 arrested, Bar, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Makati, Makati Police, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.