Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 194 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Linggo, June 28, 3PM), umabot na sa 194 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 28
San Pedro (BJMP) – 23
San Pedro (PNP) – 2
Biñan (Larger Community) – 40
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 43
Calamba – 19
Los Baños – 1
Cabuyao – 14
San Pablo – 6
Santa Cruz – 3
Pila – 1
Bay – 1
Calauan – 4
Alaminos – 2
Nagcarlan – 2
Cavinti – 1
Siniloan – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 49 na.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 509.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 752.

Samantala, nasa 1,538 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.

 

 

Read more...