Pagpapauwi sa 301 bangkay ng OFWs sa Saudi Arabia, pinamamadali na

June 28, 2020 - 10:09 PM

Minamadali na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapauwi sa 301 na bangkay ng mga overseas filipino worker sa Saudi Arabia.

Ito ay para makamit ng Pilipinas ang ibinigay na July 4 deadline ng pamahalaan ng Saudi Arabia na iuwi ang mga bangkay.

Ayon kay Bello, may inaayos nang flight ang pamahalaan para maiwui ang mga bangkay.

Una nang sinabi ni Bello na naipon ang bangkay ng mga Filipino sa Saudi Arabia dahil sa tatlong buwang lockdown dahil sa COVID-19.

Natural death ang sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino habang ang iba ay nasawi dahil sa krimen.

Agad namang inilibing sa Saudi Arabia ang 50 Filipino na nasawi dahil sa COVID-19.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, saudi arabia, Sec. Silvestre Bello III, Inquirer News, Radyo Inquirer news, saudi arabia, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.